Mag Negosyo Ta ’Day

“Dahil po sa Magnegosyo ‘ta Day, women were able to help their husbands provide food for the family, they were able to contribute to the educational needs of their children, they were able to earn their own money.” – VP Sara Duterte

Mag Negosyo ’Ta Day: Empowering Filipinos Through Entrepreneurship

Mag Negosyo ’Ta Day
is a livelihood and microenterprise support program targeted to women, LGBTQIA+ members, and marginalized sectors. Mag Negosyo Ta ’Day provides capacity-building, mentoring, and assistance in starting or scaling small businesses across the country.

ACCOMPLISHMENT

12 Negrosanon Receive Additional Capital from MTD Program

Labindalawang Negrosanon mula sa Binalbagan, Toboso, Ilog, La Castellana, Bago City, at Sagay City ang nabigyan ng Php15,000 livelihood assistance mula sa OVP sa ilalim ng Mag Negosyo Ta ’Day Program noong October 15, 2025. Sa tulong ng OVP – Panay and Negros Islands Satellite Office, napaunlad nila ang kanilang mga negosyo tulad ng karinderya, pagtitinda ng gulay, at sari-sari store. Lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa oportunidad na ito upang mapalago ang kabuhayan at masuportahan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

OVP Mag Negosyo Ta ’Day: Lettuce Be Successful!

Si Lenon, 29-anyos mula Pandan, Antique, ay isa sa mga benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ‘Day ng OVP. Sa tulong ng Php 15,000 livelihood grant mula sa OVP – Panay and Negros Islands Satellite Office, napaunlad niya ang kanyang lettuce farming business. Ang programang ito ay nagbibigay ng livelihood assistance at oportunidad sa mga kababaihan, miyembro ng LGBTQIA+ community, at mga Pilipinong kabilang sa vulnerable sectors upang mapalago ang kanilang negosyo at mapabuti ang kabuhayan.

OVP Conducts Post-Monitoring for Mag Negosyo Ta ’Day in Quezon, Isabela

Isinagawa ng OVP – Cagayan Valley Satellite Office, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Quezon, ang post-monitoring sa 23 benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta ’Day upang kumustahin at suriin ang kalagayan ng kanilang mga negosyo matapos makatanggap ng Php15,000 panimulang puhunan. Layunin ng aktibidad na masiguro na nagagamit nang maayos ang tulong at masukat ang epekto nito sa kanilang kabuhayan, kita, at pang-araw-araw na pamumuhay. 

OVP Mag Negosyo Ta ’Day: More Puhunan, More Negosyo

Tatlong indibidwal mula Bacolod City ang nakatanggap ng tig-Php 15,000 grant noong March 18, 2025 sa ilalim ng Mag Negosyo Ta ’Day Program ng OVP. Isinagawa ang turn-over sa OVP – Panay and Negros Islands Satellite Office. Layunin ng MTD na tugunan ang kawalan ng trabaho at mapataas ang kita ng mga kababayan, kabilang ang kababaihan, miyembro ng LGBTQIA+, kabataan, at iba pang sektor, habang patuloy na nagbibigay ng serbisyong may pangmatagalang epekto sa buhay ng sambayanang Pilipino.

Karagdagang Puhunan, Handog ng OVP Mag Negosyo Ta ’Day

Tatlong benepisyaryo mula Dagupan City, Pangasinan, na may sari-sari store businesses, ang nakatanggap ng tig-Php 15,000 livelihood assistance sa ilalim ng Mag Negosyo Ta ’Day Program ng OVP. Sa pamamagitan ng OVP – Pangasinan Satellite Office, layunin ng MTD na tulungan silang palaguin ang kanilang negosyo at suportahan ang kabuhayan ng mga Pilipinong kabilang sa vulnerable at disadvantaged sectors, kababaihan, at miyembro ng LGBTQIA+ community.

OVP Strengthens “Mag Negosyo Ta ’Day” Program


Nagpaabot ng pasasalamat ang mga benepisyaryo mula San Jacinto, Masbate sa tulong na natanggap mula sa programang Mag Negosyo Ta ’Day ng OVP, na pinalakas sa buong bansa. Nakakuha ng ₱15,000 puhunan ang 11 maliliit na negosyante—mula sari-sari store at thrift shop owners, bakery at food vendors, vegetable sellers, hanggang sa isang barber shop owner—upang mapalago ang kanilang negosyo at matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan.